abutin ang bawat mag-aarál

6 Ways
Ang Pagbabagong-anyo ng mga Mataas na Paaralan sa Ontario
Indibiduwál ang bawat estudyante - may bukud-tanging hilig, hangarin at kalakasan. Sa gayong dahilan, dapat siyang mabigyan ng hustong pagkakataong magtagumpay sa mataas na paaralan.
Kaya binuo namin ang 6 Ways
Ang mga programang ito, na may maraming pagbabago, ay nasa kaibuturan ng ating inisyatiba para sa pananagumpay ng ating mga mag-aarál (Student Success initiative). Binibigyan ng mga programang ito ang mga mag-aarál ng karagdagang paraan upang maka-ipon ng mga kréditong kailangan para makatapos, habang pinabubuti ang kahusayan ng edukasyon sa mataas na paaralan sa lalawigang ito.
Maitatabas ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral sa paraang mapapag-anihan nito ang kaalamang may-kahalagahan sa bawat isa. Maaaring ito ang magiging pinakamahalagang sanhi ng pananagumpay ng bawat mag-aarál.





